| [ |
mood |
| |
I'm a 90s baby |
] |
| [ |
music |
| |
Philippine Violators|Sikat na si Pedro |
] |
Tama. Wala ng hihigit pa sa Pinoy rock scene nung 1990s. Takte. The best talaga yon.
Yano - Astig yung mga kanta nila. Napaka socially relevant na may wit at sharpness. Think Bob Ong or Pol Medina, Jr. na kumakanta. Ganon yung dating ng Yano. Kung iisipin, parang gago yung mga kanta nila pero ibig sabihin lang non, tanga ka pag dating sa mga socially relevant issues. Either isa kang conyo (sa totoo lang, dito ko unang napulot yon eh) or wala ka lang talagang silbi.
Eraserheads - Shempre. Kelangan ko pa bang i-explain? Eheads 'to, pare na may humigit kumulang na best seller (parang libro hahaha) albums! Ang mga kanta ng Eheads ay subok sa roadtrip, sa chill out sessions, sa kahit anong trip mong maisipan pa. At ang mga kanta, tungkol sa buhay -- pag-ibig, barkada, school, lahat.
Wolfgang - One word: Basti Artadi. Eto yung feeling ko na Pinoy Metallica eh. Yung boses kasi ni Basti ang lalim tapos yung English songs nila akala mo eh international artists ang kumanta pero Pinoy pala. Tapos yung mga kantang Pinoy, the best. Creepy na ewan na astig. Basta. Gwapo si Basti, yon yon.
Razorback - Eto pang isa. Iba ang dating ng mga Tagalog nilang kanta. Maingay pero ang sarap pakinggan. Astig yung mga guitar riffs nila. Pang headbang talaga. Hindi gaya ng mga Slapshock and the like, maingay na nakakabingi yung sa Slapshock and the like (tutal, ibang genre nga naman sila), pero yung sa Razorback, takte, iba talaga. Grunge. Tapos yung boses nung bokalista, hindi whiny, gets? Yung ibang grunge kasi whiny na mataas yung boses pero yung sa Razorback, mababa yung boses tapos straight to the point lang. Basta astig.
The Youth - Sino ba naman ang makakalimot sa The Youth na nagpauso ng Multong Bakla? Hindi ako! Dahil inaraw-araw ako ng kanta na yan nung mainstream nyan! Halos maging pambansang awit ko na yan eh. Kinikilala ko ang The Youth bilang pillars ng rock music scene ng Pinas. Well, para saken since nung 90s eh wala pa kasi sa peak ng pagiging teenager ko.
Juan dela Cruz - Takte, nanghinayang talaga ako nung nagkaroon ng parang reunion show sila Mike Hanopol. Alam ko di ko panahon 'tong JDC at baka sabihin nyo ang poser ko naman pero kinalakihan ko ang mga kanta nila, pramis. Eto ang official band ng aming pamilya pag hinahatid kami ng koste naming old school nung mga bata pa kami sa school. Divisoria, Titser Enemy no.1, etcetera, at kaming magkakapatid eh sinasabayan 'tong mga kantang 'to. Except yung pangalawa kong kuya. Boyband/Girlband ang trip non.
Tungaw - Puro kagaguhan lang yung mga kanta nila pero para sa akin, sila yung unang komedyante ng music scene bago ang pagsulpot ng PnE. Yun nga lang, di sumikat ng todo.
The Teeth - Sino ba ang makakakalimot sa kantang, Laklak? Ilang taon na ang nakakaraan eto pa rin ang ultimate drinking song!
Tapos alam ko rin yung kanta na Sikat na si Pedro pero di ko kilala yung artist (Philippine Violators pala). Pag naging mahusay akong musikera, icocover ko 'to! At kung maging sikat at mahusay akong musikera, kakantahin ko 'to!
Color it Red - Shempre, unang girl rock band para saken ang Color it Red. Pioneer, kumbaga.
Siakol - Mga kanta nito ang cinover ng pinsan ko at ang kanyang may sayad na banda nung garage band pa sila. Ang mga kanta nila ang gumigising saken pag nagbabakasyon ako sa probinsya at may practice ang kanilang banda.
At shempre ang mga going strong hanggang ngayon na bands na nagsimula nung 90s:
Parokya ni Edgar - Pero parang naging sell out sila nung gumawa sila ng Rexona theme song. Ewan ko lang kung kinuha lang ng Rexona yung 1st Day Funk or ginawa nila yon for Rexona. Kahit ano pa man, walang katulad ang humor ng PnE. Ten years and counting.
Rivermaya - Kahit wala na yung old members nila, okay pa rin yung mga kanta nila, until naging theme song ng isang soap opera ang kanta nila at cinover ni Luke Mijares ang 214 (Badtrip talaga! P&^(#^%$(@^^A talaga!), hindi pa rin maaalis ang katotohanan na 90s rock band ang Rivermaya.
Minsan tuloy naisip ko, sana highschool ako nung 94 and so on years. Siguro mas lalong dama ko ang 90s pinoy rock music scene. Kung sabagay, marami rin naman magagandang banda ngayon gaya ng Imago, Bamboo (galing Rivermaya), Sugarfree, Cambio, Kapatid (galing P.O.T. si Karl Roy), at marami pang iba. Tapos yung iba pang mga indie na talaga namang napakahuhusay. Sana hindi sila maging sellout.
Eto na ang bago kong project. Icompile ang best songs para saken nung 1990s! This will be the ultimate appreciation of rock music na gagawin ko sa tanan ng buhay ko.
To the 90s! *clink*
|